...uy...magtatagalog ako ngayon...
naghapunan kami ni karl kagabi sa chocolate kiss. may concert (na naman) sa bahay ng alumni. ang ingay sa labas. ang ingay sa loob. puro tugtog. puro salita. lumipat kami sa film center para mag-usap. biglang may sumigaw: "AKO ANG HARI NG METAL!!!" shet. may quote of the year na tayo, january 12 palang. sabi nga ni karl: "i can name that band in two syllables - SIA.KOL." putang ina. hindi na ako nakasama sa 70's bistro para panoorin sa mishka adams. sayang.
nagpost si chely ng mga gawa niya sa photoshop. gusto ko na rin magkaroon ng ritrato dito ah, pero ayoko pang kumuha ng account para sa photo hosting, or something like that. hindi ko alam kung bakit di pwede mag-upload dito ng picture nang basta-basta.
pinagpilitan ko magsuot ngayon ng mga bagong damit namin galing sa mango. suot ko ang polo na pinaghatian namin ni ate lala. pilit talaga. kahit na hindi masyadong maganda ang hikaw ko. tsaka masyadong mahaba ang pantalon ko. tsaka parang kailangan ko ng sinturon pero walang bagay na sinturon kaya hindi nalang ako nagsuot. babawiin ko nalang siguro sa make-up mamaya. manonood kasi kami ni karl ng blade trinity sa gateway. balita ko maganda dun ah. tapos 99 pesos lang. hmmm.
makikita ko na ang poochers sa wakas! kung hindi sa friday, sa saturday. o kaya pareho. hahahaha...
happy birthday nga pala sa mga ipinanganak sa enero:
enero 5 - jenny may licen/julie laconico
enero 11 - anne monzon
enero 12 - isbel wasan/sheila juan
enero 13 - bambie perey/martin nuqui/rae rivera
enero 18 - may corpuz/aissa benitez/shan dala
enero 24 - iris pagsanjan-estrera
mga ambisyoso talaga mga kaibigan ko.
o sya. tatapusin ko nang basahin libro ni karl.
Wednesday, January 12, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment